Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Filipino American star na si Jordan Clarkson sa panibago na namang panalo ng Utah Jazz laban sa Houston Rockets.
Si Clarkson ang nanguna sa kanyang 22 puntos mula sa bench kasama na ang naipasok na apat na three pointers.
Kung maalala ang Fil Am ang nangunguna ngayon bilang best Sixth Man player sa NBA.
Nakatipon na ngayon ang Utah ng 44 na panalo at hindi pa rin natitinag bilang top team sa liga.
Tumulong din naman sa Jazz sina Joe Ingles na nagtala ng 21 points at ang kanilang big man na si Rudy Gobert ay nagpakita ng 19 points, at 18 rebounds.
Hindi pa rin nakakalaro ang kanilang top scorer na si Donovan Mitchell.
Sa ngayon ang Rockets naman ay lumasap na sa kanilang ika-pitong talo mula sa huling walong laro.
Nasayang pa ang ginawa ni John Wall para sa Houston na may kabuuang 21 points at six assists.
Habang sina Christian Wood ay nagtapos sa 16 points at eight rebounds, at si Kelly Olynyk ay nagposte ng 10 points.