CAGAYAN DE ORO CITY – Umaasa ang kapatid ni Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro na magiging patas ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay nito na ngayon ay hawak na ng National Bureau of Investigation.

Ito’y matapos inilibing na sa compound ng kanilang bahay ang pinatay na alkalde kahapon.

Dumalo sa libing ang pamilya, mga tagasuporta at kaibigan ni Navarro na bitbit pa ang mga placards at humihingi ng hustisya.

Sa necrological service, sinabi ng asawa ni Navarro na nalinis na ang pangalan nito sa umano’y pagkakabilang sa listahan ng “narco-politicians” at wala rin itong kaugnayan sa pagnanakaw.

Kung maaalala, patay sa ambush si Navarro sa Cebu City ng papunta sana sa korte para sa inquest proceedings.