-- Advertisements --

Umaapela ang Philippine Coalition for International Criminal Court sa Philippine National Police (PNP) na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court hinggil sa posibleng crimes against humanity sa gitna ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay Dr. Aurora Parong, co-chairman ng naturang civil society group, dapat gawin ng hanay ng pulisya ang tama hindi lamang para sa ikabubuti ng kanilang institusyon kundi para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at para na rin sa bayan.

Miyerkules nang inaprubahan ng mga mahistrado ng ICC ang pagsasagawa ng formal investigation sa madugong war on drugs ng Duterte administration, kung saan ilang libong mga suspected drug suspects ang napatay.

Magugunita na sa mga nakalipas na taon iginigiit ng Duterte administration na ang mga pagpatay na ito ay resulta lamang ng self-defense sa hanay ng pulisya.

Iginigiit ng pamahalaan na walang karapatan ang ICC na manghimasok sa mga kaganapan sa bansa.