-- Advertisements --

Magsasagawa ng citywide coronavirus testing ang Wuhan, China para sa kanilang mamamayan bilang paghahanda sa ikalawang wave ng coronavirus disease.

Tatakbo ng 10 araw ang nasabing COVID-19 testing para sa screening ng nucleic acids na matatagpuan sa nakamamatay na virus.

Bawat distrito naman sa Wuhan ay inaasahang gagawa ng arrangement para sa mga manggagawa sa ilalim ng kanilang jurisdiction na isasailalim sa nucleic acid screening plan.

Nagbunsod ang emergency notice na ito kasunod ng bagong kaso na naitala sa Wuhan matapos ang isang buwan na walang naiuulat na coronavirus infection sa nasabing lugar.

Layunin umano ng hakbang na ito na patatagin pa ang ipinatutupad na social prevention at pati na rin ang pag-iwas na muling bumalik ang nakamamatay na virus sa Wuhan.