-- Advertisements --

Matapos sampahan ng reklamong
serious dishonesty sa Office of the Ombudsman ang mag-amang Richard Maurice Robes, konsehal ng Bulacan at anak nitong baranfay kagawad na si Richard Maurice III ay inasunto naman ngayong araa ang isa pang opisyal ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan at baranggay kagawad na naging kasabwat umano ng mga Robes sa pandaraya.

Batay sa siyam na pahinang complaint-affidavit na inihain ni Jason Cruz, residente ng SJDM sa tanggapan ng Ombudsman, nakasaad na malinaw na naging kasabwat sina Konsehal Liezel Aguirre-Abat at Brgy. Kagawad Vanessa Michelle Roquero ng mag-amang Robes para palabasin na ang batang Robes na si Richard Maurice Robes III ay si Councilor Richard Maurice Robes.

Layunin umano ng pagsisinungaling ng mga respondent para mapagkalooban ng sertipiko si Konsehal Robes mula sa Center for Local and Regional Governance (CLRG), sa ilalim ng UP Diliman National College of Public Administration and Governance kahit hindi naman talaga ito ang totoong dumalo sa naturang seminar.

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa reklamong serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Una nang isinampa ni Cruz ang kahalintulad na asunto sa Ombudsman laban sa mga Robes dahil sa paglabag ng mga ito sa Section 3 ng clCivil Service Resolution(CSC) No.06-0538 na nagsasaad na sino mang opisyal o empleyado ng gobyerno ay pinagbabawalang mameke ng dokumento lalo pa kung ito ay may kinalaman sa pampublikong interes.

Ang paglabag sa nasabing panuntunan ay maikukunsiderang serious dishonesty.

Una nang Ikinadismaya ng CLRG nang mapag-alaman nilang ang ipinadala ni Councilor Robes ay ang kanyang konsehal na anak sa seminar na may pamagat na Introduction to Excellence in Local Legislation (iExcelL) na ginanap noong Agosto 5 hanggang 9 ngayong taon.

“It is with great regret that our Center decided to withhold their Certificates of Completion given information that we received regarding the identity of the person who attended as Councilor Robes. On the last day of the course, it came to our attention that someone who identified himself as Councilor Robes, but was not Councilor Robes, was attending in his stead,” base sa sulat na nilagdaan ni CLRG Director Erwin Alampay.

Ikinadismaya din ng grupo na wala man lamang nagsabi kina Robes, Aguirre-Abat at Roquero sa center sa loob ng limang araw na seminar na may humalili kay Konsehal Robes.

Nalukungkot ang grupo sa naturang pangyayari.

Samantala, maging ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ay naniniwalang may pananagutan sa batas ang mag-amang Robes sakaling mapatunayan ang alegasyon laban sa kanila.

Ayon kay PACC Commissioner, Atty. Manuelito Luna, kapag totoo Ang mga paratang ay kailangan itong maimbestigahan.

“If true, then he should be probed by the appropriate disciplining authority or DILG for dishonesty or misconduct,” ani Luna.