-- Advertisements --

Good news para sa mga kabataang sinasabing hindi pa nabibinyagan o natuli dahil tuloy na tuloy na ngayong taon ang pagpapatuli kasabay ng circumcision season matapos maantala noong nakaraang taon dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kung maalala ang Pilipinas ang isa sa mayroong pinakamataas na rate ng circumcision sa buong mundo dahil sa centuries-old practice bilang susi sa mga kalalakihan para makapasok sa tinatawag na manhood.

Sa mga nakaraang taon, libo-libong pre-teens ang nagpatuli nang libre sa mga government o community-sponsored clinics.

Pero noong nakaraang taon, kinansela ang “circumcision season” sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa virus outbreak na siya namang naging dahilan nang pagkaantala ng itinuturing na isa sa mga milestone ng maraming kalalakihan.

Bago ang pandemic, isingasagawa na ang mass circumcisions sa buwan ng April hanggang Hunyo kapag bakasyon na ng mga estudyante.

Naniniwala ang karamihan na pangunahing nakikitang rason sa pagpapaatuli ay ang hygien o ang pagiging malinis at mas malusog na pangangatawan ng mga kalalakihan.