Bill Burns CIA
-- Advertisements --

Nakipagpulong sa mga lider ng Taliban si Central Intelligence Agency (CIA) Director William Burns.

Ayon sa dalawang mataas opisyal ng US na isinagawa ang pagpupulong sa Kabul sa kasagsagan ng paglilikas ng mga US citizens.

Isa sa kasama sa pagpupulong ni Burns ay si Taliban co-founder at deputy leader Abdul Ghani Baradar.

Patuloy ang administrasyon ni Biden sa pakikipagpulong sa mga Taliban kung saan pinag-usapan ang mga posibleng mangyari pagdating ng Agosto 31 kung saan tuluyan ng mawala ang mga US Forces.