Screenshot 2019 06 01 13 16 01
IMAGE | Chupacabra/National Geographic

ILOILO CITY – Nababahala ngayon ang mga residente ng isang barangay sa Cabatuan, Iloilo dahil sa umano’y pag-atake ng isang “chupacabra” o uri ng halimaw na anyong hayop.

Sa panayam ng Bombo Radyo ikinwento ni Vicky Soldevilla, residente ng Brgy. Gaub, na nabulabog ang kanilang tahanan nang marinig ang ingay ng mga alagang bibe sa likod bahay.

Nang silipin, tumambad umano sa kanila ang patay na 80 alaga, habang 50 na sugatang bibe.

Nakita rin daw nila ang dalawang sinasabing hayop na pumatay sa mga alagang bibe na kasing laki umano ng tao.

Agad din daw umalis ang mga ito matapos ang insidente.

Batay sa salaysay ni Soldevilla, nakita nilang butas na ang dibdib ng mga patay na bibe, gayundin na may bakas sa mga leeg nito na tila sinipsip dahil sa tagas ng mga dugo.