-- Advertisements --

Iginiit ni Manila Representative Joel Chua na sapat na ang bilang sa House of Representatives upang ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte 

at malapit nang maabot ang kinakailangang boto para maipasa ito sa Senado.

Ayon kay Chua, patunay ang mga nakaraang botohan kabilang ang 54-1 na resulta at pag-apruba sa ikatlo at ikaapat na reklamo na may sapat na batayan ang kaso. Aniya, ginagawa ito ng Kamara bilang pagtupad sa mandato ng Konstitusyon, hindi dahil sa pulitika.

Binigyang-diin din ni Chua na sinusunod ang tamang proseso ng House Committee on Justice sa pagsusuri ng mga reklamo, kabilang ang pagtiyak sa sapat na basehan at posibleng pananagutan.

Dagdag pa ni Chua, layunin ng impeachment na suriin ang integridad at asal ng mga opisyal ng gobyerno, at mahalagang panagutin ang sinumang may alegasyon ng katiwalian, anuman ang halaga o implikasyon nito.

“It’s a question of magpapatakot ka ba o gagawin mo yung constitutional duty,” pahayag ni Chua.