CAUAYAN CITY- Tuluyan nang kinansela ang pagsasagawa ng Christmas Party sa tanggapan ng pamahalaang lungsod ng Santiago.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Mayor Joseph Tan, sinabi niya na walang magaganap na Christmas party ngayong taon sa Pamahalaang lungsod ngunit tuloy pa rin ang mga paligsahan may kaugnayan sa pagsalubong ng pasko.
Hiinikayat ni Mayor Tan ang publiko na umiwas muna sa mga pagtitipon sa pasko pangunahin na ang Christmas party.
Kung maari ay isagawa na lamang ito kasama ang kanilang pamilya at iwasan ang pag-anyaya ng mga bisita dahil maari itong magdulot ng malalaking pagtitipon na pangunahing iniiwasan ngayong may pandemya.
Binanggit din ni City Mayor Tan na nakikipag-ugnayan na sa kanyang tanggapan ang mga nais magtinda ng mga paputok sa Lunsod.
Gayunman ay pinayuhan niya ang publiko na iwasan na lamang ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa pasko at bagong taon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.