-- Advertisements --
image 52

Pumayag ang Department of Education na gumamit ng Christmas decorations ang mga public school sa loob ng kanilang mga classrooms.

Ayon kay Department of Education Undersecretary Atty. Michael Poa, hindi naman kasi raw permanente ang mga decorations na ito. Pero dapat ay simple lang ang mga dekorasyon at yung hindi kailangang gumastos ng mga guro.

Nauna nang iniulat na ipinag-utos ng kagawaran ng edukasyon na alisin sa mga classroom ang visual aids, crucifixes at pati na ang mga larawan ng bayani.

Paraan daw ito para hindi ma-distract ang mga mag-aaral sa tuwing may klase.

Maaari pa rin naman umano gumamit ng visual aids pero sa oras lang ng pagtuturo.