Doble kayod ngayon ang ginagawang pagpapalaki ng katawan ni Chirs Hemsworth matapos na ito ay mapiling gaganap bilang si retired wrestler Hulk Hogan sa isang biopic.

Sinabi nito na ang Hogan biopic ay may matinding physical na paghahanda.

Hindi rin nito maitago ang kaniyang excitement dahil kailangan niyang magpalaki ng katawan.

Bukod sa katawan ay pinag-aaralan din niya ang tamang pananalita ganun din ang pag-uugali ng wrestling legend.

Sabik na rin itong matutong mag-wrestling na kabilang sa eksena.