-- Advertisements --

Pumalag ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang pagde-deklara ng martial law sa Negros Oriental dahil sa sunod-sunod na mga kaso ng patayan sa lalawigan kamakailan.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, wala silang nakikitang rason para magpataw ng batas militar ang pamahalaan sa Negros Oriental dahil bibigyang daan lang daw nito ang mas malawak pang implementasyon ng kautusan.

“We do not see the need for the President to exercise any assist prerogatives. We wouldn’t want a declaration of a state of emergency nor a declaration state of martial law in any part of the country because we feel this would normalize martial law in a sense.”

Kung maaalala, kinalampag ng sunod-sunod na patayan ang buong lalawigan sa nakalipas na araw.

Bukod sa mga sibilyan, kabilang din sa nasawi ang lokal na opisyal ng probinsya.

Kasalukuyang nasa ilalim ng martial law ang Marawi City matapos atakihin ng Maute-ISIS group noong 2017.

Ayon naman sa Philippine National Police, walang dapat ikabahala ang mga residente ng Negros Oriental dahil kontrolado ng pulisya ang sitwasyon doon.