Kaisa ng Philippine National Police (PNP) ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagbibigay ng paalala sa mga pulis hinggil sa kanilang protocol sa paggamit ng social media.
Sa isang statement, kinilala ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia ang babala ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa kanyang mga tauhan.
Kasunod ito nang post ng PNP CARAGA regional office na tila red-tagging sa ilang grupo.
Maging ang terrorist-taggin ng Candon Police Station sa Ilocos Sur sa mga nagpahayag ng tutol sa Anti-Terrorism Bill.
“We echo the call of the PNP chief and hope that such actions that might compromise the rights of a person would be avoided in the future with the agency’s commitment to strictly enforce its existing protocols,” ani de Guia.
Ayon sa opisyal, dapat interes ng publiko ang pinaglilingkuran ng bawat opisyal ng gobyerno, lalo na sa gitna ng pagkalat ng mga maling impormasyon online.
“Duty bearers like members of the law enforcement are bound by high standards of ethics and professionalism in carrying out their mandate,” dagdag ng tagapagsalita.
Ipinaalala ni De Guia ang wastong paggamit sa mga social media platform, na dapat ay magsilbing source ng tama at maaasahang impormasyon.