-- Advertisements --

Hinimok ng Commission on Human Rights ang gobyerno na bigyan ng karampatang atensyon ang kondisyon ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at kanilang pangangailangan na mabakunahan kontra COVID-19, pati na rin ang mga nagbabantay sa mga bilangguan.

Sa isang statment, sinabi ni CHR spokesperon Atty. Jacqueline de Guia na tanging 474 senior citizens sa mahigit 48,000 PDLs sa pitong prison facilities na hawak ng Bureau of Corrections sa buong bansa ang nabakunahan kontra COVID-19.

Nanatili pa rin aniya hanggang sa ngayon ang vaccination ng mga PDLs at prison personnel sa mga local government units kung saan matatagpuan ang mga prison facilities na ito.

Paalala ni De Guia na obligasyon ng pamahalaan na bigyan ng kaparehong dignidad at karapatan ang mga PDLs kagaya ng sa iba pang mamamayan, kabilang na ang kanilang karapatan sa kalusugan.