Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na gumawa ng agarang aksyon laban sa dumaraming insidente ng karahasan sa bansa.
Ayon sa Commission on Human Rights may ilang grupong tinutumbok ng mga karahasan gaya ng kababaihan, bata, menor de edad, at maging ng mga opisyal ng gobyerno.
Binanggit ng komisyon ang kamakailang mga insidente sa pagpatay kay Barangay Councilor Aldrin Pantos sa Sta. Maria, Bulacan, at college student na si Queen Leanne Duguinsin sa Dasmariñas City, Cavite.
Ang mga insidente ay nagtulak sa Commission on Human Rights na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon.
Batay umano sa mga ulat ng pulisya, hindi pa nakikilala ang nag-iisang gunman ng konsehal, ngunit nahuli na ang suspek sa pagpatay kay Daguinsin.
Bilang pambansang institusyon ng karapatang pantao ng bansa, mariing kinukundena ng Commission on Human Rights ang pagtaas ng paglaganap ng karahasan sa ating mga komunidad.
Dahil sa paglaganap ng mga insidenteng ito, sinabi ng naturang komisyon na dapat unahin ng gobyerno ang proteksyon ng lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas at mga sistema ng hustisya sa bansa.