Naglunsad na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa serye ng pagpatay target ang mga opisyal ng gobyerno kabilang ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ito ay isang linggo matapos ang pagpatay kay Gov. Degamo na pinaslang ng mga armadong kalalakihan habang namamahagi ng subsidiya sa kaniyang mga kababayan na miyembro ng 4Ps at walo pang inosenteng mga sibilyan ang nasawi sa insidente.
Ang motu propio investigation ng CHR ay kaalinsabay ng imbestigasyong isinasagawa ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa CHR na kailangang matugunan at mariing kondenahin ang hindi makatwirang pagpatay upang matiyak sa lahat ng mamamayang Pilipino na committed ang pamahalaan at law enforcement agencies para protektahan ang karapatang pantao ng bawat isa.
Matatandaan, maliban sa kaso ng pagpatay kay Gov. Degamo, may iba pang mga local officials ang napatay sa nakalipas na siyam na buwan kabilang si Aparri Cagayan VM Rommel Alameda noong Pebrero 19 ng kasalukuyang taon, dating Dipaculao Aurora VM Narciso Amansec noong Oktubre, 2022, dating VM ng dolore Quezon Danilo Amat , San Carlos Barangay Captain Vivencio Palo ng Lipa Batangas at Sto. Domingo Barangay Chairmn Richard Biraquit sa Piat Cagayan.