Ikinagalak ng Commission on Human Rights(CHR) ang pangako ng Philippine National Police na paiiralin ang maximum tolerance para sa mga magsasagawa ng kilos-protesta kasabay ng ikalawang SONA ni Pang. Ferdinand marcos Jr.
Umaasa ang nasabing komisyon na kakayanin ng pambansang pulisya na pangatawanan ang nasabing pangako, sa likod ng kabi-kabilaang kilos protesta na maaaring isagawa ng mga aktibista mula sa iba’t-ibang sektor.
Sa ibang banda, pinaalalahanan naman ng CHR ang mga magpoprotesta na kilalanin ang Batas Pambansa Bilang 880 (BP 880).
Itinatakda sa nasabing batas ang mga panuntunan na dapat sundin ng mga magproprotesta kapag sila ay magsagawa ng mga rally, kasama na ang pagkuha ng permit, maliban lamang kung isagawa ito sa isang freedom park.
Tiniyak ng komisyon na magpapakalat sila ng mga field investigators at mga abogado upang i-monitor ang mga isasagawang kilos-protesta sa kabuuan ng Metro Manila.
Ang mga nasabing Human Rights officials ang magiging mata ng CHR upang matiyak na protektado ang karapatan ng mga mag rarally sa kasagsagan ng ulat sa bayan ni Pang. Marcos. Jr.