-- Advertisements --

VIGAN CITY – Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) mga bagong kaso ng panggagahasa at pagpatay sa ilang menor de edad sa Makati at Bulacan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, nagpaabot na nag direktiba ang kanilang tanggapan sa field offices para tumulong sa pag-iimbestiga sa mga kaso.

Handa rin umanong magbigay ng tulong legal at pinansyal ang ahensya sa pamilyang naulila ng mga biktima.

Ani De Guia, tututukan nila ang paghahanda ng affidavit ng mga pamilya, pati ang magiging proseso ng kaso dahil mga abogado mula sa Public Attorney’s Office o Integrated Bar of the Philippines ang hahawak sa mga ito.

Bagamat karumal-dumal ang sinapit ng mga biktima, nanindigan ang CHR na hindi bitay ang nararapat na parusa sa mga salarin.

Mahalaga pa rin daw na ipatupad ang due process at parusahan ng naaayon sa batas.