-- Advertisements --
CHR

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga kaso kaso ng panggagahasa at karahasan targe ang mga bata edad 10 o nasa mas murang edad na naitala ngayong buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.

Sa inilabas na pahayag ng komisyon ngayong araw, nakapagtala ng apat na biktima ng sexual abuse, panghahalay at karahasan sa mga batang babae kung saan sa kasamaang palad, nasawi ang ilan sa mga ito.

Ang mga ito ay ang kaso ng isang pitong taong gulang na batang babae mula sa Barangay Cabuco, Trece Martires noong Abril 7, ang 10 taong gulang na batang babae mula sa Davao city noong Abril 9, ang 3 taong gulang na babae mula sa Sto.Tomas, Batangas noong Abril 9 at ang anim na taong gulang na babaeng biktima mula sa Mabalacat, Pampanga noong Abril 11 ng kasalukuyang taon.

Una ng naalarma ang komisyon sa ilang serye ng sexual assault laban sa mga bata lalo na karamihan sa mga salarin ay mismong miyembro ng kanilang pamilya o acquaintances.

Ang mga karumal dumal na gawain na ito ayon sa CHr ay paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation at Discrimination Act kaakibat ang paglabag sa international human rights instruments gaya ng Convention on the Rights of the Child.

Kaugnay nito, pinakilos na ng CHR ang regional offices nito para magsagawa ng independent investigations ng nabanggit na mag kaso at magbigay ng suporta sa mga pamilya ng mga biktima.