-- Advertisements --

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay sa legal worker ng grupong Karapatan na si Zara Alvarez kamakailan sa Bacolod City.

Ikinaalarma ng CHR ang anila’y panibagong pag-atake sa hanay ng human rights workers at advocates, sa gitna nang patuloy din na pagtaas ng mga kaso at mabagal na usad ng hustisya.

“She has been a target of red-tagging and was once part of the list in 2018 of more than 600 people that the Department of Justice wanted to tag as terrorists. However, her name was taken off the said list, but the exclusion still did not spare her from the ultimate violation of her rights—succumbing to death after being shot on Monday night by unidentified perpetrators,” ani CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia.

Hindi umano dapat tingnan ng palihis ng gobyerno kung may mga nananawagan para sa mabuting serbisyo at pagtugon sa responsibilidad nito sa karapatang pantao.

“It is a reminder to the government, including all of its officials and officers, of their sworn duty to the people.”

Ayon kay De Guia, kahit pa walang kinalaman sa kanyang trabaho ang pagpaslang kay Alvarez ay hindi nito binubura ang responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang mamamayan nito mula sa mga pag-atake.

“Should violations happen, government must step up as well in ensuring that perpetrators are held to account.”

Una nang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na bukas ang kanyang tanggapan sakaling imbestigahan ang krimen.

Nagsimula nang lumakad ang hiwalay na pagsisiyasat ng CHR Region IV Sub-Office sa Bacolod para makamit ang hustisya sa pagpatay kay Alvarez.