Nanindigan ang US na walang nakulektang anumang maseselang impormasyon ang ipinalipad na spy balloon ng China noong Pebrero.
Ayon sa Pentagon, na mula ng makumpirma na isang spy balloon ang nakita ay agad sila nagsagawa ng pagsusuri sa mga importanteng dokumento.
Sinabi naman ni Pentagon spokesperson Brigadier General Pat Ryder na alam nila na mayroong kapabilidad ang nasabing spy balloon na mangulekta ng impormasyon kaya agad silang gumawa ng hakbang para ito ay mabigo.
Magugunitang umabot ng halos isang linggo na lumipad sa himpapawid ng US at Canada ang nasabing Chinese spy balloon hanggang nagdesisyon si US President Joe Biden na ito ay kanilang pabagsakin.
Dahil aniya sa insidente ay lalong tumindi pa ang tensiyon sa pagitan ng China at US.