-- Advertisements --

Dumating na sa San Francisco, USA si Chinese President Xi Jinping para sa pagdalo nito sa APEC Summit.

Huling nakatapak sa US si Xi ay noong panahon ni dating US President Donald Trump kung saan naging magarbo ang pagsalubong sa kaniya.

Nakatakda ring magkaroon ng pag-uusap si Xi at US President Joe Biden.

Ilan sa mga maaring talakayin nila ay ang pagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa.