-- Advertisements --

Itinanggi ni Chinese President Xi Jinping na sinusuportahan niya ang Russia sa paglusob sa Ukraine.

Ito ang naging pahayag niya sa pakikipagpulong nito sa kay French President Emmanuel Macron at European Commission President Ursula von der Leyen.

Giit nito na hindi gawain ng China na magsimula ng krisis at sila pa mismo ang nagsusulong ng kapayapaan.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng alegasyon ng US na nagbibigay ng armas ang China sa Russia.

Kasalukuyan nasa Europa si Xi para sa anim na araw na pagbisita at isulong ang matibay na samahan ng China sa Europa.