-- Advertisements --

Malugod na tinatanggap ng mga opisyal ng Chinese Embassy sa Manila kasama ang mga miyembro ng Philippine Navy ang Chinese naval training ship na “Qi Jiguang” sa pagdating nito sa Pier 15 sa Maynila para sa three-day port call nito.

Ang pinakamalaking naval training ship ng People’s Liberation Army Navy ng China ay bukas sa publiko hanggang Hunyo 16.

Ang nasabing largest training vessel na Qi Jiguang, na nasa ating bansa ay bilang bahagi ng isang 40-days na biyahe nito, na kinabibilangan ng mga paghinto sa Vietnam at Thailand bago ang Brunei.

Dagdag dito, ang training ship sa ilalim ng fleet ng People’s Liberation Army Navy, na dinisenyo at itinayo ng China, ay may sukat na 163 metro ang haba at 22 metro ang lapad.

Mayroon itong full load displacement na higit sa 9,000 tonelada at maximum na bilis na 22 knots, na maaaring matugunan ang mga kinakailangan para sa wind resistance ng grade 12, ang pinakamataas sa Beaufort wind scale, na katumbas ng lakas ng isang bagyo.

Una na rito, ang pagsasanay na isinagawa ng barko, na pinangalanan sa isang Ming dynasty general na nakipaglaban sa mga pirata ng Hapon, ay nakatuon sa navigation, anti-piracy at shooting exercises na may magaan na mga armas.