-- Advertisements --

Tinawag ng ilang kongresista sa Kamara ang pansin ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) matapos mabatid na libo-libong Chinese nationals na ang nagiging “TNT” o “tago ng tago” rito sa Pilipinas para makapag-trabaho sa mga offshore gaming hubs.

Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ang, umabot na sa libo ang bilang ng Chinese nationals na iligal ang paninirahan dito sa Pilipinas.

Pawang nagta-trabaho raw ang mga ito sa Philippine offshore gaming operations (POGO).

“These foreign workers can be seen practically everywhere. There are even places where you would think you are in China. I suggest that through Pagcor, these POGO employees should be fully documented and identified not only for the good of the country but also for their own protection,” ayon kay Ang.

“We are allowing these POGOs to operate here because we want more revenues. Their Chinese and other foreign employees come here to work, so they should pay taxes as everyone else,” dagdag ng kongresista.

Hinimok ng mambabatas ang Pagcor na mag-release ng ID sa mga POGO employees para matukoy kung sino sa mga ito ang ligal na nakapasokn sa bansa.

Magsisilbi rin daw itong proteksyon sa mga empleyado ng POGO na nabibiktima ng panloloko ng employers.