-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Immigration na nakahanda nilang I-deport ang isang Chinese national na matagal ng pinaghahanap ng kanilang kawanihan dahil sa pamemeke umano nito ng kanyang nationality.

Kinilala ang naturang Chinese na si Tai Fang Ching, 60 years old at nagpapanggap umano ito bilang isang Pinoy.

Sa isang pahayag, sinabi ni immigration commissioner norman tansingco na naaresto si ching ng mga tauhan ng Bureau of Immigration intelligence sa kahabaan ng F.B Harrison street sa Ermita, Manila.

Armado ng warrant of deportation ang mga ahente ng immigration ng inaresto nila si Ching.

Ang operasyon na ito ay isinagawa batay na rin sa desisyon ng BI board of commissioners na palayasin sa bansa si Ching dahil sa di nito kanais-nais na pag-uugali.

Ayon pa dito ay na nagyayabang umano si Ching at nanunuya sa batas na ipinapatupad ng immigration.

Lumalabas sa imbestigasyon na kinuha at ginamit nito ang pangalan ng isang Albert Torres abaya ng naghain siya ng kanyang incorporation paper para sa negosyo nito.

Kasalukuyang nakakulong si Ching sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportasyon sa China.

Bilang resulta ng deportasyon, siya ay isasama sa immigration blacklist, at patuloy na pagbabawalan na makapasok muli sa bansa.