-- Advertisements --

TASHKENT – Dumating na sa Tashkent, Uzbekistan ang 15 na kasapi ng Chinese medical team.

Layunin nitong tulungan ang nasabing bansa na may 1,450 COVID-19 cases at apat na nasawi.

Kabilang sa dumating na ayuda ay medical supplies na magagamit ng frontliners at ng mga pasyenteng infected ng deadly virus.

Nabatid na nagmula ang tulong sa Jiangxi province sa China. (Xinhua)