Nakatakdang dumating sa bansa ang high-ranking official ng Chinese government na si Chinese Foreign Minister Wang Yi para makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at talakayin ang pagpapalakas pa ng bilateral relations ng Pilipinas at China.
Inaasahan din na magko-courtesy call ang Chinese foreign minister sa bagong talagang Department of Foreign Affairs (DFA) chief Enrique Manalo ngayong Miyerkules.
Si Wang ang unang foreign minister na panauhin ng bagong administrasyon.
Ayon kay Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, sesentro ang pagbisita ng Chinese top envoy sa bilateral relations ng Pilipinas sa China, practical cooperation at regional at international issues.
Nakatakda ring makilahok si Wang sa expanded bilateral talks kay DFA chief Manalo at magbibigay ng speech sa paglulunsad ng Samal Island-Davao City Connector Project at ang signing ceremony ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagbibigay ng financial services para i-promote ang kooperasyon sa pagitan ng Stock Exchanges ng Pilipinas at China.