-- Advertisements --

Tiniyak ng Chinese Embassy na tutulong ang kanilang bansa sa search ang rescue mission sa napaulat na lumubog na Chinese vessel sa Indian Ocean nitong Martes.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, nagpadala na ang kabilang bansa ng emergency response team na tutulong sa 39 na tripolante na kinabibilangan ng limang Pilipino seafarers.

Agad din na inatasan ni Chinese President Xi Jinping ang mga emergency response team at magsagawa ng malawakang search and retrieval operation sa Indian Ocean upang mahanap agad ang mga tripolante ng naturang vessel kabilang na ang limang Pilipinong crew nito.

Dagdag pa ni Huang na nakikipag-ugnayan na ang kanilang embahada sa Department of Foriegn Affairs (DFA) at sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa magiging sitwasyon ng limang Pilipinong crew na nawawala sa naturang vessel at kanilang gagawin ang kanilang makakaya upang mailigtas ang mga ito.