-- Advertisements --

Binatikos ng Chinese embassy sa bansa ang US dahil sa paghihikayat umano sa mga kaalyadong bansa nito na kondinahin ang maritime incident sa pagitan ng mga barko ng China at Pilipinas.

Sinabi dito na hindi umano isang ‘safari park’ ang West Philippine sea na ang ibang mga rehiyon ay maaring makapasok o mangialam.

Nanawagan na lamang ang China na dapat irespeto ng US ang teritorial sovereignty at maritime rights nito.

Magugunitang noong Agosto 5 ay iniulat ng Philipine Coast Guard na ginamitan ng water cannons ng Chinese coast guard ang dalawang supply ships at dalawang escort nila na magsasagawa ng supply sa mga nasa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.