Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang off-labeled drug mula China na ginagamit panggamot sa mga pasyente ng COVID-19.
Nakasaad sa Certificate of Product Registration ng Lian Hua Qing Weng sa FDA ng Pilipinas, na maaari itong gamitin laban sa heat-toxin invasion ng baga, lagnat, pananakit ng katawan, at makating ilong o runny nose.
Nilinaw ni FDA director general Eric Domingo na hindi bilang gamot sa COVID-19 ang nakapaloob sa registration ng nasabing gamot dahil “traditional medicine” lang ito.
Ayon sa Chinese Embassy dito sa Maynila, ginagamit na COVID-19 treatment drug ang Lian Hua Qing Weng sa mga mild cases.
Aprubado na rin daw ang paggamit nito sa ibang bansa tulad ng Hong Kong, Macau, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuador, Singapore and Laos.
“It is our sincere hope that its entrance into the Philippine market will contribute to the fight against the spread of COVID-19 in this country and help the patients with mild and moderate symptoms recover,” nakasaad sa Embassy statement.