KALIBO, Aklan – Tuluyang pinagmulta ng Municipal Auxiliary Police ang mag-asawang Chinese matapos pinaihi ang menor de edad na anak sa bahagi ng frontbeach sa Boracay.

Dinala sa Malay Police Station matapos isyuhan ng citation tickets sina Chao Rong Tang, 46, at Yhu Xiao, 44, kapwa taga-China at nagbabakasyon lamang sa isla dahil sa paglabag sa ipinapatupad na ordinansa.

Lalaki ang kanilang anak na pinaihi sa gilid ng puno ng niyog.

Sa kabilang dako, isang Chinese pa ang nasita matapos namang magtapon ng plastic at bote sa white beach sa Barangay Manoc-Manoc sa isla.

Matapos magbayad ng multa ang dayuhang si Kian Tan ay agad itong pinalaya ng mga otoridad.

Nabatid na ang mga Chinese ang top violator sa mga ordinansang ipinapatupad sa Boracay.