-- Advertisements --
SEN Migz Zubiri

Pinapa-blacklist ngayon ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga Chinese contractor sa mga infrastructure projects ng pamahalaan.

Ito ang iminumungkahi ngayon ni Zubiri sa Senado kasunod ng ginagawang panghihimasok at pangha-harass ng China sa ating mga kababayan sa West Philippine Sea.

Paliwanag ng mambabatas, ang patuloy na pagtangkilik ng pamahalaan sa mga Chinese state-owned contractors para sa mga malalaking proyekto ng gobyerno sa buong bansa ay tila paglustay lamang ng pera ng mga Pilipinong nagbabayad ng buwis.

Aniya, ang perang kinikita kasi ng mga ito na mula sa ibinayad ng pamahalaan ay nanggaling sa buwis ng taumbayan na ibabalik naman ng naturang mga kumpanya sa China na gagamitin naman ng kanilang bansa pangpondo sa kanilang mga navy at coast guard na sila namang nanghaharass sa ating mga kasundaluhan sa West Philippine Sea.

Kung maaalala, una nang ipinanukala ni Senate President Zubiri na i-boycott ang lahat ng mga produkto at kumpanya ng China sa bansa.