-- Advertisements --
image 390

Ibinunyag ng Defense Ministry ng Taiwan na muling nagpalipad ang China ng mga bagong combat drone sa palibot ng Taiwan.

Batay sa opisyal na report ng Taiwan Defense Ministry, ang nasabing drone ay isang Military-grade na kayang magbiyahe ng mga heavy weapon, habang nagsasagawa ng flight operation.

Sinabi pa sa report, na maliban sa nasabing drone, una na silang nakamonitor ng labingsiyam na military aircraft na pinalipad ng China sa loob ng ilang araw, sa palibot ng Taiwan. Ang mga ito umano ay pumasok sa Air Defence Indentification Zone ng Taiwan.

Kabilang sa mga natukoy na pumasok na sa aerospace ngv Taiwan ay ang TB-001 drone, na tumawid pa sa Bashi Channel, ang bahagi ng katubigan na naghihiwalay sa teritoryo ng Taiwan at Pilipinas.

Matatandaang nauna nang ibinida ng China ang TB-001 drone nito dahil sa kakayahang makalipad sa matatas na altitude, at long range missions. Tinatawag din ng China ang nasabing air assets bilang twin-tailed scorpion.