-- Advertisements --

CEBU CITY – Nilinaw ng isang Cebu City Councilor na isang “fake news” ang kumalat na post sa social media patungkol sa mga Chinese-nationals na hindi umano pinayagang makapasok sa isang hotel kaya tumambay sa labas.

Ito’y alinsunod sa pagkabahala ng mga Cebuano sa posibleng pagkalat ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease o 2019 nCoV ARD.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Councilor Dave Tumulak, sinabi nito na nagpapahinga lang ang nasabing mga bisita sa Fuente Osmeña Circle habang nag-aabang ng bus upang makapunta sa airport.

Nagbunsod ang naturang post sa pag-aalala sa mga Cebuano matapos na kumalat sa internet ang malisyosong post patungkol sa mga turista.

Nagpaalala naman si Tumulak sa publiko na huwag basta-bastang mag-share ng mga malisyosong post sa internet upang hindi mag-panic.

Dagdag na payo naman mula sa nasabing konsehal na maging responsable sa mga nakikitang post sa social media patungkol sa nCoV lalo na at ginagawa ngayon ng Cebu City government ang mga hakbang upang malabanan ang pagkalat ng naturang sakit.