Isang araw matapos ang tuluyang pagkatanggal ng team China sa ikalawang elimination games ng FIBA 2023, patuloy pa ring ipinapakita ng mga Chinese basketball fans ang kanilang pagkadismaya sa inabot ng kanilang team.
Marami sa kanila ang naglabas ng kanilang mga saluobin sa pamamagitan ng internet.
Ilan sa mga fans ang nagsabi na ang inabot ng team China ang pinakamasaklap na pagkakapahiya mula nang inumpisahan ng China na sumali sa World Cup, 45 years na ang nakakalipas.
Ilang mga fans din ang naghayag ng pagkadismaya matapos ang umano’y mataas na expectation sa 2023 team.
Ang team China ay pinapangunahan ng isang NBA veteran na si Kyle Anderson, matapos siyang gawing naturalized player ng China.
Katulad ng Pilipinas, wala din itong naipanalong laro sa tatlong magkakasunod na laban nito.
Sa araw ng Sabado, inaasahang magbabanggaan ang Team Philippines at Team China, para sa clarification phase ng FIBA 2023.
Nagsilbing host ng World Cup ang China noong 2019 ngunit natapos ito bilang ika-24.
Hindi rin ito nakapasok sa Tokyo Olympics.
Sa kasalukuyan, hawak ng China ang ika-27 na pwesto.