-- Advertisements --
Inanunyo ng aviation authorities sa Estados Unidos ang kanilang plano na pagbawalan ang lahat ng eroplano mula China na lumipad papunta o paalis ng Amerika.
Ito raw ay bilang ganti ng US sa China matapos nitong hindi payagan ang mga US airlines sa nasabing bansa na bumalik sa operasyon.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng coronavirus ay napilitan ang mga paliparan sa Amerika na suspendihin ang lahat ng flights sa naturang bansa at China ngunit apat na Chinese airlines ang nagpatuloy pa rin sa round-trip flights sa bansa.
Simula Hunyo 16 ay magiging epektibo ang bagong patakaran na ito.
Ayon sa Transportation Demartment, simula Enero ay mayroong 325 passenger flights kada linggo sa pagitan ng dalawang bansa.