-- Advertisements --

Nagtayo ng isang special panel ang US Department of Homeland Security upang tablahin ang mga pagbabanta na gagawin ng China.

Binuo ang China Working Group matapos ipasara ng Estados Unidos at China ang konsulada ng isa’t isa na mas lalong nagpatindi sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang kampo.

Ayon kay Acting Secretary of Homeland Security Chad Wolf, mas lalo umanong tumitindi ang ginagawang pagbabanta ng China sa pamamagitan ng cyber security, immigration at intellectual property domains.

Dagdag pa nito na magpapatuloy ang kaniyang departamento para tugunan ang cyber-attacks, economic espionage at disinformation campaigns ng China.

Target din aniya ng kaniyang grupo ang mga pekeng Chinese medical supplies na binebenta sa kabila ng coronavirus pandemic.

Bago nito ay inilunsad na rin ng US Justice Department ang grupong “China Initiative” na naka-focus naman sa mga legal cases kaugnay ng China.