Hinimok ng China ang Pilipinas na pangalagaan ang pagkakaibigan ng dalawang bansa ngunit alisin ang “panghihimasok” sa kanilang relasyon.
Sa kanyang talumpati sa ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China, sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na dapat ilagay ng Pilipinas at China ang kanilang mga pagkakaiba sa tamang lugar at humanap ng mapayapang solusyon sa pamamagitan ng friendly consultations “upang ang pangkalahatang relasyon ay hindi maging apektado at maging maayos.
Aniya, dapat maayos na pangasiwaan ng dalawang bansa ang mga pagkakaiba upang maalis ang panghihimasok sa relasyon ng China at Philippines.
Binalewala ng China ang isang desisyon noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration na nakabase sa The Hague na nagdeklara ng makasaysayang pag-angkin nito sa West Philippine Sea na walang batayan.
Iginiit ng Beijing ang bilateral talks sa Pilipinas.
Binigyang-diin niya na nakahanda ang China na makipagtulungan sa Pilipinas para ipatupad ang pinagkasunduan nina Pangulong Xi Jingping at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sundin ang blueprint para sa pagtutulungan upang magkatuwang na maghatid ng bagong “golden era” sa bilateral relations.