Tutol na naman ang China laban sa pinakahuling pakikipagkasundo ng Pilipinas sa ibang bansa hinggil sa pagpapaigting pa ng maritime security sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng paglagda ng Pilipinas at Australia ng isang kasunduan na naglalayong mas palakasin pa ang maritime security collaboration ng dalawang bansa.
Sa isang statement ay sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na ang kasunduang sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay isang makakasira lamang sa regional peace at stability sa West Philippine Sea.
Aniya, nananatiling generally stable ang sitwasyon ngayon sa lugar dahilan kung bakit hindi na kinakailangan pa ang anumang uri ng maritime security cooperation ng ibang mga bansa.
Kung maaalala, kahapon ay tatlong kasunduan ang kapwa nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang naging pagbisita sa Australia kung saan ang lahat ng ito ay layunin na mas paigtingin pa ang information sharing, capability building, at interoperability nito sa ating bansa partikular na sa maritime domain. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)