-- Advertisements --

Nanindigan si Chinese Ambassdor to the Philippines Zhao Jinhua tungkol sa pagbasura ng Beijing sa arbitral tribunal na nagde-deklara sa Pilipinas bilang may-ari ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na planong pakikipagusap kay Chinese Pres. Xi Jinping hinggil sa desisyon ng United Nations (UN).

“I’m going to China to talk. Did I not tell you before, that before my term ends, I will be talking about the (South) China Sea?,” ani Duterte.

Ayon kay Zhao, malinaw ang posisyon ng China laban sa desisyon ng UN at hindi na magbabago.

“Our position has been clearly stated at the very beginning of the filing of the arbitration. And when the result of the arbitration, we also expressed that we will not accept it and we will not recognize it. And that position has not changed, and will not be changed,” ani Zhao.

Sa kabila nito naniniwala ang opisyal na hindi maaapektuhan ng issue ang relasyon ng dalawang bansa, pati na ang mga plano ng pangulo para sa Pilipinas.

Kampante rin si Zhao na hindi ko-komprontahin, kundi kakausapin sa maayos na paraan ni Duterte si Xi.

Kung maaalala, taong 2016 nang ibasura ng UN Arbitral Tribunal ang “9-dash claim” ng China sa South China Sea.

Ibig sabihin, Pilipinas ang may-ari ng mga pinag-aagawang teritoryo gaya ng Scarborough shoal at Pag-asa Islands.

Nitong araw nang mag-donate ang Chinese government ng P10-milyong pondo para sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.