Tuluyan ng pinatigil ng China ang kanlang national COVID tracking app.
Ang nasabing phone app kasi ay inilunsad noong kasagsagan ng pandemiya para mabantayan ang mga galaw ng mga mamamayan ng China kung saan sila huling nagtungo.
Hindi na rin aniya ito mahalaga dahil sa nagluwag na ang maraming probinisya at rehiyon sa China.
Paglilinaw ng gobyerno ng China na may ilang lokal na lider ang nagpapatupad pa rin ng nasabing tracking app para na rin sa kapakanan ng kanilang mamamayan.
Ikinabahala naman ng maraming mamamayan ng China na baka lalong tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 kung saan sa pinakahuling bilang ay aabot sa 8,626 na kaso ang naitala.
Bagamat tumataas pa rin ang bilang ng kaso ay maituturing pa rin na ang China bilang may pinaka-mahigpit ng COVID-19 restrictions sa mundo.