Itinaboy ng China ang USS Chancellorsville guided-missile cruiser na iligal umanong pumasok sa katubigan ng Spratly islands sa loob ng West Philippine Sea na inaangkin ng China.
Pagigiit ni Tian Junli, spokesman ng Southern Theatre Command ng People’s Liberation Army, na ang naging aksiyon ng US military ay mariing paglabag sa soberanya at seguridad ng China.
Ang naturang US cruiser ay naglayag din kamakailan sa may Taiwan Strait na isa ring itinuturing ng China na parte ng kanilang teritoryo.
Sa parte naman ng US Navy, demipensa ito na false ang akusasyon ng China at sinabing minamasama ng China ang lawful maritime operations ng Amerika.
Saad pa nito na ang isinagawang freedom of navigation operation (FONOP) ng US cruiser ay alinsunod sa international law.
Sa nakalipas na mga taon, nakailang ulit na ring naglayag ang US warships sa West Philippine Sea upang maipakita sa China na walang bisa ang mga territorial claims nito.