-- Advertisements --

Sinibak ng China ang Canadian diplomat na nakatalaga sa Shanghai.

Ang nasabing hakbang ay bilang ganti sa ginawa ng Canada.

Una kasing pinalayas ng Canada si Chinese ambassador Zhao Wei matapos na makatanggap ng intelligence report na pinupuntirya niya ang isang mambabatas sa Canada na hindi sang-ayon sa pagtrato ng China sa Uyghur Muslim Minority.

Bilang pagganti sa ginawa ng Canada ay pinalayas nila si Jennifer Lynn Lalonde ang consul sa Canadian consulate sa Shanghai.

Ayon kay Wang Wenbin,ang tagapagsalita ng Chinese foreign ministry na dapat itigil na ng Canada ang ginagawa nitong isang uri ng provocation.