-- Advertisements --
Niluwagan na ng China ang kanilang COVID-19 restrictions sa mga pampasaherong eroplano na may sakay na COVID-19 positive.
Ayon sa Civil Administration Administration ng China na ang mga pampasaherong eroplano na mayroong sakay na limang COVID-19 positive o apat na porsyento sa kabuuang pasahero ay magiging isang linggo na lamang ang flight suspension nito.
Ang mga pampasaherong eroplano na mayroong dalang 8 percent na pasahero nila na COVID-19 positive ay dalawang linggong suspendido.
Noong nakaraang mga buwan kasi ay masususpendi ng dalawang linggo ang mga pampasaherong flights.
Malaking bahagi rin ng border ng kanilang bansa mula pa noong 2020.