-- Advertisements --

Hindi raw inaangkin ng China ang buong West Philippine Sea.

Ito ang buwelta ni Chinese foreign ministry spokesperson Wang Wenbin kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unacceptable ang ginagawang expansive claim ng China sa imaginary 10-dash line.

Sabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Wang Wenbin, hindi raw kine-claim ng China ang buong West Philippine Sea bilang pag-aari at teritoryo ng kanilang bansa.

Kasabay ng pag-akusa sa Pilipinas na binabaluktot umano ng ating bansa ang posisyon ng China sa international community hinggil sa nasabing isyu.

Sabi ni Wang, dapat na raw itigil ng Pilipinas ang umano’y mga misleading statement sa isyu sa WPS na nag u-udyok ng mga hindi pagkakaunawaan, at umaasa sa mga external force upang pahinain ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Kung maalala, bukod sa WPS ay inaangkin din ang iba pang teritoryo ng ibang mga bansa tulad ng Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam, at Indonesia.