-- Advertisements --

Nanindigan si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla, na ang China ang siyang nasa likod ng pagkasira ng mga coral reef sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi nito na malinaw ang mga ebidensiya na ang Chinese militia ang dahilan ng pagkasira ng nasabing mga coral reef sa lugar na pag-aari ng bansa.

May mga ugnayan na sila ibang mga ahensiya para mapanagot ang nasabing nasa likod ng paninira ng nasabing coral reef.

Magugunitang ibinahagi ng Philippine Coast Guard ang pagkasira ng mga coral reef na mtatagpuan sa West Philippine Sea.