Hindi nagbabago ang posisyon ng China sa joint development ng oil at gas kasama ang Pilipinas ayon sa Chinese Embassy sa Maynila.
Ginawa ng Embahada ang naturang pahayag bilang tugon sa rekomendasyon ni dating Energy USec. Eduardo Mañalac para sa isang independent oil at gas exploration ng Pilipinas sa West PH Sea.
Aniya, maaaring i-explore ng PH ang WPS sa pamamagitan ng isang capable at well-organized national company na maaaring gawin ang oil and gas exploration para sa bansa.
Pareho naman ito sa posisyon ng National Task Force on the West PH Sea at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nauna ng nagpahayag ng kanilang hangarin na magkaroon ng gas field sa WPS kapareho sa matagumpay na Malampaya Gas Field.
Samantala, hinimok naman ng Chinese embassy ang mga relevant countries na iwasan ang iresponsableng aksiyon at igalang ang regional efforts para mapanatili ang kapayapaan at istabilidad sa pinagtatalunang karagatan.
Matatandaan na noong Nov. 2018, lumagda ang PH at China sa isang MOU para magkaroon ng intergovernmental joint steering committee para sa posibleng energy cooperation.
Noong mga huling buwan ng 2022 sa ilalim ng Duterte administration, tinapos ng PH ang mga pag-uusap sa China dahil sa constitutional constraints at mga isyu sa soberaniya.