-- Advertisements --

Tila ipinagkibit balikat lamang ng China ang panibagong mga polisiyang planong ipatupad ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

May kaugnayan pa rin ito sa naging utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa mas pagpapatatag pa sa koordinasyon ng maritime security ng bansa laban sa mga seryosong banta sa territorial integrity at kapayapaan sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

Bilang tugon dito ay sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na ang mga polisiyang ipatutupad ng ating bansa ay hindi makakaapekto sa soberanya at maritime rights ng China sa naturang lugar.

Kasabay nito ay sinabi rin ng naturang Chinese officials na Umaasa raw ang kanilang bansa na sa kabila nito ay oobserbahan ng Pilipinas ang umano’y mga commitment at consensus nito sa China, gayundin ang maayos na pamamahala ng sitwasyon sa pamamagitan naman ng mapayapa ng pakikipagnegosasyon.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nilagdaang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 57 na nagbibigay-diin sa kaniyang utos na mas palakasin pa ang maritime security and awareness ng Pilipinas sa maritime domain sa gitna ng mga bantang kinakaharap ng ating bansa sa territorial integrity partikular na sa West Philippine Sea.